A Night with La Diva

Sunday, February 22, 2009

Si John Lapus ang special guest ng La Diva sa kanilang first major concert sa April 18, 2009. “A Night with La Diva” ang title ng show nina Jonalyn Viray, Aicelle Santos at Maricris Garcia.


Hindi makapaniwala ang tatlo na magkakaroon na sila ng sariling concert pero gaganapin ito sa Virgil Auditorium sa LA at hindi sa Pilipinas.


Sa tanong kung hindi ba sila naiinggit sa success ng kanilang fellow singer na si Sarah Geronimo, “hindi” ang sagot ng tatlong mi-yembro ng LA Diva.


Natutuwa raw sila para kay Sarah dahil sa magandang takbo ng showbiz career nito. Gusto rin ng La Diva na marating ang naabot ni Sarah, pero hindi sila nagmamadali.


Maraming dapat ipagpasalamat sina Jonalyn, Aicelle at Maricris kaya hindi nila hinahayaan na maapektuhan sila ng insecurity.


Kung mangyari man na hindi maging matagumpay ang kanyang singing career, plano ni Jonalyn na ipagpatuloy ang pag-aaral para magkaroon siya ng fall back.


This year, balak ni Jonalyn na mag-enroll sa isang music course dahil gusto niya na maging voice teacher. Gagamitin daw niya ang kanyang talent sa pagkanta para makatulong sa iba.


Supportive sa isa’t-isa sina Maricris, Jonalyn at Aicelle. Hindi raw sila katulad ng ibang grupo na nagsasapawan sa pagkanta ang mga miyembro.

1 Comment
  1. nellie Said,

    akala ko nga dito sa pinas yung concert ng la diva kaya excited ako pala sa US. Pagbutihin nalang nila at baka makapunta ako dun kasi punta kmi ng US this summer

    Posted on February 22, 2009 at 7:20 PM

     

Post a Comment