While sumabak na noon si Jonalyn Viray sa mundo ng acting, she has since then focused on her singing. Pero iGMA finds out that this Diva wants to take a second shot at becoming an actress! Text by Jason John S. Lim. Photo by Mitch S. Mauricio.
"Para sa akin, mas gusto ko mag-concentrate muna sa singing," nilinaw ni Jonalyn Viray sa amin. Naitanong kasi namin sa kanya kung may balak ba siyang umarte muli, after news of Bryan Termulo and Chris Cayzer's foray into acting reached us.
Jonalyn continues, "Kumbaga, since na-try ko na 'yung acting before, may idea na ako kung ano 'yung mga ginagawa, tapos 'yung time ng tapings—'di ba usually inaabot ng madaling araw? Eh as a singer, mahirap kumanta kapag puyat, kasi napaka-dry ng lalamunan mo." And that's why, she adds, "Gusto ko muna i-establish 'yung singing career. Tapos medyo, kapag bongga na—"
Inamin ni Jonalyn sa amin na masarap rin umarte: "Sa totoo lang, masaya din." At kung ibabalik ang dating tambalan nila ni Gerald Santos, she wouldn't complain either.
"Depende kung gusto rin niya," she adds with a laugh
Pero, gaya nga ng sabi niya, singing ang concentration niya for now.
"'Yung mga personal projects ko naman, 'yung nami-minimize. Kasi binubuo talaga kami [with Aicelle Santos and Maricris Garcia] ngayon as a group. So mas dominant 'yung mga projects namin ngayon as La Diva."
If she does have solo projects, Jonalyn says it's more of mini-shows or provincial shows.
To end, Jonalyn leaves a message sa kanyang ardent supporters: "Siyempre unang-una, nagpapasalamat kami sa inyo dahil kung hindi dahil sa inyo, wala kaming La Diva ngayon. Kumbaga, kung hindi nila kami naa-appreciate, hindi kami aabot sa ganito—hindi namin ipagpapatuloy. Kaya maraming-maraming salamat and asahan niyo na, siyempre, ibabalik namin sa inyo, what you deserve."
Willing na ba kayong makita si Jonalyn back in acting ulit? Or would you rather she follow her heart and concentrate on her singing for now? Talk about it with fellow Jonalyn fans sa iGMA Forum!
And get to know Jonalyn more through her daily updates sa Fanatxt! Just text JONALYN and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
Post a Comment