The La Diva album is in the works, and excited na ang ating divas para i-promote ito. At sigurado rin kami na excited na ang kanilang mga fans, kaya inalam namin from Jonalyn, Aicelle, and Maricris mismo kung ano ang dapat nating abangan from their album. Text and photos by Jason John S. Lim with interviews by Erick Mataverde.

Aicelle Santos gets right to the point: "We have a very, very beautiful original song. Ang ganda noon, ang ganda ng message and the melody—magugustuhan nila 'yun."

"[At] para naman kahit papano may trademark kami sa industry," dagdag ni Jonalyn Viray. "Hindi puro mga revivals."

Pero bakit isang song lang?

Aicelle says that it's important na makita muna ng mga tao 'yung gusto nila—the reason why La Diva shot to fame in the first place—and that's through cover songs that show off their powerful vocals and the blending of their voices.

"Doon medyo talagang natuwa 'yung tao," Aicelle explains.

At dahil nga sa tuwa na ito, Aicelle, Jonalyn, and Maricris Garcia are focusing all of their efforts into the group.

"Ngayon, lahat naka-focus sa La Diva, sa grupo talaga," Maricris tells us. "Sinasamantala na namin 'yung moment na hinahanap siya ng tao."

And dahil sa paghahanap na ito, kaya rin nabuo ang plano na magkaroon sila ng album and their own show.

Maricris continues, "Basta lahat ng mga future plans and shows para sa aming tatlo, para sa grupo."

Wala pang concrete details na maibigay ang mga divas, whether release date ng album or ng mga sarili nilang show. Everything is up in the air pa daw, though may hula si Jonalyn: "Siguro sa bandang pasukan. Wala pa masyadong details. Abangan!"

Sa ngayon, they want to focus na lang daw muna sa sigurado, which is their regular SOP performances, their upcoming album, and their very supportive fans.

"Thank you," sabi ni Aicelle. "Sana po 'wag kayong magsawa sa pagsuporta. Panoorin niyo kami every Sunday and we'll be coming up with an album."

Biro pa niya, "Please do buy copies. Copies ha? Madami! Bawat tao, lima. Thank you, thank you po!"

Dagdag ni Maricris, "Sana patuloy ang pagsuporta and salamat sa walang-sawang pagsuporta rin. Sana, magtuloy-tuloy pa."

Anong songs ng La Diva ang gusto niyong makita sa album nila? Sound off sa comments below!

At maki-bonding sa tatlo through Fanatxt! Just text JONALYN, AICELLE, or MARICRIS and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)

2 comments
  1. Anonymous Said,

    love you la diva!

    Posted on June 14, 2009 at 10:15 AM

     
  2. God bless sa career... yeah/..

    ♥ la diva lover ♥

    Posted on February 11, 2010 at 5:03 AM

     

Post a Comment